Manila, Philippines – Hindi tuwirang sinagot ni NFA Rex Estoperez kung may sindikato na nasa likod ng hoarding o pagtatago ng suplay ng bigas sa merkado.
Ayon kay Estoperez, umaasa ang ahensya na magdudulot ng positibong resulta ang pagpapatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa grupo ng mga rice traders.
Ito aniya ay paghamon ng Pangulo sa grupo ng mga rice traders na patunayan na hindi sila hoarder ng bigas.
Sinabi ni Estoperez na hindi naman sila nagkukulang sa pagbisita at sopresang inspection sa mga bodega ng bigas sa mga lalawigan.
Ang nakita aniya nila sa mga inspection na ito ay ang pagkakaroon ng tinatawag niyang market leader o yaong nakakakopo ng malaking volume ng bigas na naipapakalat sa merkado.
Facebook Comments