Manila, Philippines – Nilinaw ng National Food Authority (NFA) na wala silang planong tanggalin ang mas murang NFA rice sa merkado publiko.
Ayon kay NFA Director Rex Estoperez, ang proposal umano ay magdadagdag sila ng subsidiya para bilhin ng mas mataas na presyo ang palay ng mga magsasagaka at malabanan ang commercial rice.
Sa pamamagitan umano nito ay dadami ang mga magsasakang magbebenta ng kanilang palay sa NFA at madadagdagan din ang stock ng kagawaran.
Pero aminado itong mahaba pang pag-aaral ang isasagawa bago maipatupad ang kanilang plano.
Samantala, sa ngayon ay wala pa rin umanong mabibiling NFA rice na nagkakahalaga ng P27 at P32 sa merkado dahil sa Hunyo pa manunumbalik ang buffer stock na bigas ng ahensiya.
Facebook Comments