Inihayag ngayon ng National Food Authority Pangasinan ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng bigas sa kanilang tanggapan sa kabila ng pagkakaroon ng hamon na makabili ng bigas sa mga magsasaka.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa Branch Manager ng NFA- Pangasinan na si Jay Mark Malvar ay sapat aniya ang suplay ng bigas sa lalawigan kung saan mayroong 19, 605 na bigas at nasa 20, 950 na palay ang nakaimbak ngayon sa mga warehouses ng NFA na matatagpuan sa Western at Eastern na bahagi ng Pangasinan.
Sa ngayon, medyo nahihirapan umano ang NFA na itaas ang kanilang buying price na nasa P19 kada kilo mas mababa kumpara sa P20-23 kada kilo ng mga private traders, sinabi ni Malvar na dahil sa maliit na pondo kung kaya’t hindi maitaas ang kanilang buying price.
Ayon pa sa kanya, puspusan ang kanilang pagsadya sa mga magsasaka upang sa kanila na ibenta ang kanilang mga bigas o palay.
Samantala, target ng ahensya na makabili ng nasa 300, 000 na sako ng palay para sa kanilang Palay Procurement Program kung kaya’at patuloy sila sa paghikayat sa mga magsasaka na sa kanila ibenta ang kanilang mga palay upang maabot ang naturang target ng ahensya.

Facebook Comments