LOLO SA BAYAN NG MABINI, NATAGPUANG PATAY AT SUNOG ANG KATAWAN

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PNP sa naganap na pagkakatuklas sa sunog na katawan ng isang lolo sa bayan ng Mabini.
Ang biktima ay nakilalang si Antonio Celso residente ng Brgy. Cabanaetan sa nasabing bayan.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na pasado alas tres ng hapon ng lumabas ang biktima upang magpastol ng baka subalit inabot ng alas nwebe ng gabi ay di pa ito nakakauwi.

Dito na humingi ng tulong ang mga kaanak sa mga Barangay Officials kung saan ay inabot ng dalawang oras ang paghahanap hanggang sa makita ang katawan nito na sunog sa isang damuhan at kawayanan sa nasabing lugar.
Inaalam na ngayon ng PNP kung may sumadya ba sa pagkakasunog sa nasabing lolo. |ifmnews
Facebook Comments