Puspusan pa rin ang mga inisyatiba ng Department of Health Region 12 para maibsan ang lumalalang kaso ng Dengue sa ibat ibang bayan sa rehiyon.
Kabilang na rito ang pagbibigay ng direktiba na panatilihing malinis ang kapaligiran sa tahanan sa mga Baranggay, LGU at mga eskwelahan ayon pa kay Jenny Ventura, tagapasaglita ng DOH 12 sa naging panayam ng DXMY.
Ugaliin rin aniya ang 4 S at 4 oclock Habbit.
Sinasabing nauna ng isinailalim sa State of Calamity ang lalawigan ng South Cotabato habang nagpaabot na rin ng proposal ang PDRRMC North Cotabato sa kanilang Sangguniang Panlalawigan para isailalim na rin ang North Cotabato dahil sa paglobo ng kaso ng Dengue.
Sa buong rehiyon , 56 na katao ang nasawi mula sa higit 13 libong mga indibidwal na kinapitan ng Dengue mula Enero ngayong 2019.
Abot naman sa 492 na kaso ng Dengue ang naitala sa Cotabato City.
Kaugnay nito dahil sa patuloy na pagdami ng mga nagkakadengue, pahirapan na rin aniya ang suplay ng dugo sa mga Blood Bank sa rehiyon dagdag pa ni Ventura.
DOH Pic
Suplay ng dugo sa mga Blood Bank sa Region 12 pahirapan na dahil sa kaso ng Dengue
Facebook Comments