Patuloy umano ang mataas na produksyon ng galunggong kasabay ng pagsisimula ng closing fishing season sa Palawan.
Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) National Director Eduardo Gongona, tuloy-tuloy pa rin ang suplay sa ilalim ng Oplan Isda kung saan may alternatibong paraan gaya ng aquaculture.
Tumaas rin ang nahuling galunggong gamit ang ring net mula 187.02-MT patungong 206.30-MT sa parehong panahon.
Ayon pa kay Gongona, ang naitalang mataas na huling galunggong sa fishing area sa Palawan ay bunga ng kooperasyon ng mga commercial fishers, mga stakeholders sa fishery sector at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ilalim ng Technical Working Group on Roundscad Fisheries Management sa Palawan.
Kabilang ang Palawan sa pangunahing taga-suplay ng isda sa mga highly urbanized cities ng Metro Manila.
95% ng nakukuhang galunggong ay ibinabagsak sa Navotas Fish Port.