PhilHealth, nakapagbayad na ng higit P150 bilyong claims ng mga pribadong ospital

Nasa 75% na ng mga claims ng mga ospital ang nabayaran na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PhilHealth Corporate Communications Senior Manager Rey Baleña na mula Enero, 2020 hanggang ika-28 ng Oktubre ngayong taon, nasa P152.8 billion na ang nabayaran ng tanggapan.

Ayon pa kay Baleña, ginagawa na ng kanilang hanay ang lahat upang agad na mabayaran ang lahat ng claims ng mga ospital.


Nagkakaroon lamang aniya ng hamon dahil naapektuhan din ng COVID-19 pandemic ang kanilang operasyon, dahilan nang pagbagal nang pagproseso sa mga claims.

Gayunman, tulad aniya ng una nang sinabi ng Malacañan, walang problema sa pondo ng tanggapan.

Facebook Comments