Suplay ng Gamaleya Sputnik V vaccine para sa second dose, dumating na sa Quezon City

Kinumpirma ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na dumating na sa Quezon City ang karagdagang suplay ng Gamaleya Sputnik V vaccine para sa mga nabakunahan ng first dose.

Sa anunsyo ng QC Government, pasisimulan agad ngayong araw ang pagbibigay ng bakuna sa ilang Vaccination Sites sa lungsod.

Ayon sa QC LGU, simula ngayong July 14 hanggang 16, isasagawa ang pagbabakuna ng second dose ng Sputnik V vaccine sa Rosario Maclang Bautista General Hospital.


Kasabay nito ang vaccination sa UP College of Kinetics hanggang July 15.

Sa July 16 hanggang 18 naman isasagawa ang second dose ng pagbabakuna sa Quezon City General Hospital at July 16 hanggang 19 naman sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center.

Pinayuhan ng QC Government ang mga residente na bumalik sa Vaccination Site kung saan tinurukan ng first dose at huwag kalimutang dalhin ang vaccination card.

Facebook Comments