Nararanasan ngayon ng ilang mga supermarket sa Lungsod ng Dagupan ang kakaunting suplay ng hamon sa kanilang mga pamilihan.
Saad ng isang supermarket sa dagupan simula pa kahapon wala na sa limampu ang bilang ng kanilang mga panindang hamon.
Dagdag naman ng DTI Pangasinan, aminado ang kanilang ahensya sa kakulangan ngunit may alternatibong maaaring mapagkunan ng mga hamon tulad na lamang ng mga MSME’s sa lalawigan ng Pangasinan na gumagawa rin ng hamon.
Sa ngayon, naglalaro sa 320-500 pesos ang halaga ng hamon sa lungsod ng Dagupan. | ifmnews
Facebook Comments