SUPLAY NG ISDA SA DAGUPAN CITY, NANANATILING SAPAT SA KABILA NG BANTA NG FISH KILL

Nananatiling sapat ang suplay ng isdang Bangus sa lungsod ng Dagupan sa kabila ng banta ng fish kill bunsod ng mainit at maulang panahon na nararanasan ngayon.
Ayon sa mga tindera partikular sa Malimgas Public Market sa lungsod, nasa 150 to 160 pesos ang kada kilo ng bangus ngayon. Ilang mga seafood naman tulad ng shrimp o hipon, nasa 350 ang kada kilo nito at matumal umano ang bentahan dahil kaonti ang mga consumer ng mga nakaraang araw.
Nag-iingat din lalo na ang mga Bangus Growers sa lungsod dahil sa init ng panahon na nagdudulot para sa mga isda na mamatay at hindi na pwedeng maibenta at delikadong makain.

Nakaantabay naman ang Task Force Bantay Ilog ng syudad upang mamonitor ang kondisyon sa mga coastal areas sa Dagupan at mabigyan ng karampatang aksyon kung sakaling may magiging problema. |ifmnews
Facebook Comments