LIBRENG SERBISYONG PANGKALUSUGAN, AARANGKADA SA BAYAN NG SAN FABIAN AT MANGALDAN

Muling aarangkada sa bayan ng Mangaldan at San Fabian ang libreng serbisyong pangkalusugan hatid ng tanggap ng ikaapat na distrito ng Pangasinan para sa mga residente sa mga nasabing bayan.
Sa darating na May 26, araw ng Biyernes, dadalhin ang libreng serbisyong medikal sa dalawang Barangay ng San Fabian. Sa Brgy. Nibaliw East, sa oras na alas otso hanggang alas onse ng umaga, habang sa Brgy. Cayanga naman ay mula alauna hanggang alas kwatro ng hapon.
Sa araw naman ng Sabado, May 27, aarangkada ito sa dalawang Barangay ng Mangaldan. Sa Brgy. Salaan mula oras ng alas otso hanggang alas onse ng umaga habang sa Brgy. Guilig naman ay mula ala una hanggang alas kwatro ng hapon.

Kalakip ng pagbigay ng ilang mga serbisyong medikal ay ang pamamahagi rin ng mga gamot at bitamina.
Samantala, isa lang ang libreng serbisyong medikal sa adhikain ng tanggapan ng ikaapat na distrito na may layong maipaabot ang mga tulong pangkalusugan lalo na sa mga residente sa ilalim ng 4th district ng Pangasinan, partikular ang mga bayan ng Mangaldan, San Fabian, Manaoag, San Jacinto at lungsod ng Dagupan. |ifmnews
Facebook Comments