Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2, bagaman hindi 100 % sufficient ang isda sa rehiyon ay nananatili pa rin na maayos ang suplay dahil sa pagkakaroon ng mga fishpond o inland fishery na programa ng mga Local Government Unit.
Laking tulong rin aniya ang ginagawa inisyatibo ng LGU sa pagbibigay ng libreng hukay sa paggawa ng mga fishpond gaya sa bayan ng Ramon, Isabela at Solana, Cagayan gayundin ang iba pang mga LGU.
Ayon pa kay Edillo, hindi naman ganun kaapektado ang rehiyon sa limitadong suplay ng isda lalo pa’t may mga nagmumula rin sa mga coastal areas sa lambak ng Cagayan.
Panawagan naman nito sa publiko na tangkilikin ang sariling produce ng mga mangingisda na likas na sariwa.
Binigyang diin niya na tiyakin pa rin ang maayos na kalusugan at huwag ipagsawalang bahala ang bagsak presyo ng imported na isda dahil mas importante pa rin ang sariwang isda.