SUPLAY NG KURYENTE | Presyo ng bigas, 10% ang itinaas – Philippine Statistics Authority

Manila, Philippines – Patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas sa ilang pamilihan sa bansa.

Batay sa price monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA), sampung porsyento ang naitalang pagtaas nitong natapusan ng Marso.

Nabatid na mula sa P37.13 per kilo, nasa P39.74 per KG na ang presyo ng regular-milled rice.


Ayon sa PSA, ang pagtaas ng presyo ng bigas ay nagsimula pa noong buwan ng Enero dahil na rin sa epekto ng kakulangan ng suplay ng NFA rice sa ilang lugar sa bansa.

Pero, ikinagulat ito ni Agriculture Secretary Manny Piñol.

Ayon kay Piñol, walang dahilan sa taas presyo sa bigas dahil sapat ang suplay nito.

Naniniwala si Piñol na posibleng may kinalaman ang mga middle man sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Facebook Comments