Suplay ng Kuryente sa Batanes, Tiniyak ng NAPOCOR

Cauayan City, Isabela- Magiging sapat ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan ng Batanes sakaling maapektuhan ito ng pananalasa ng Bagyong Siony.

Ito ang kinumpirma ng tanggapan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ayon kay Dan Esdicul, PDRRMO Head, ito ang tiniyak sa kanya ng tanggapan ng National Power Corporation (NAPOCOR) at kaya nitong abutin ng kahit 1-buwan.


Dagdag pa ng opisyal, nakaalerto na ang kanilang pwersa katuwang ang iba pang sangay ng gobyerno para sa magiging epekto ng bagyo.

Nagsimula na ring itali ng mga residente ang kani-kanilang bahay upang maiwasan na liparin ang mga yero sakaling maranasang ang matinding epekto ng bagyo.

Sa ngayon, ang mata ng severe tropical storm Siony ay nasa nasa layong 360 km east ng Basco, Batanes

Facebook Comments