Suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Bicol Region, bumagsak dahil sa hagupit ni Bagyong Quinta ayon sa NEA

Apektado na ang suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Bicol at iba pang rehiyon sa bansa dahil sa paghagupit ni Bagyong Quinta.

Base sa monitoring ng National Electrification Administration-Disaster Risk Reduction and Management Department (NEA-DRRMD) bago pa man mag-landfall ang bagyo sa San Miguel Island sa Tabaco City, Albay kagabi, nagkaroon na ng power interruption sa ilang lugar.

Kabilang sa mga naapektuhan na electric cooperatives ay ang Ticao Island Electric Cooperative, Sorsogon 1 and 2 Electric Cooperative, First Catanduanes Electric Cooperative Inc.


Kabilang din ang Cagayan 2 Electric Cooperative at Northern Samar Electric Cooperative

Ayon sa NEA, ang buong coverage area ng TISELCO, SORECO 1 at 2, at FICELCO ay wala pang supply ng kuryente at nangangailangan pa ng restoration activities.

Samanantala, unti-unti nang naibabalik ng CAGELCO 2 ang supply ng kuryente sa mga bayan ng Claveria, Sanchez Mira at Sta. Praxedes sa Cagayan.

Gayundin sa munisipalidad ng Palapag sa Northern Samar habang on-going pa ang restoration works sa mga bayan ng San Jose, Rosario, Mapanas, Gamay at Lapinig.

Sa panig naman ng National Grid Corporation of the Philippines, napinsala rin ng bagyo ang Daraga-Sorsogon 69 kilovolt transmission lines at Naga-Libmanan 69kilovolt line na nagsu-supply ng kuryente sa SORECO 1at 2 at CASURECO 1.

Facebook Comments