Worldwide COVID-19 cases, pumalo na sa mahigit 42.76 million

Mahigit 42.76 million katao na sa buong mundo ang tinamaan ng COVID-19.

Batay sa Reuters tally, umabot na sa 1,150,652 ang namatay mula sa 210 na bansa na apektado ng virus.

Nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na kaso ang Amerika na may 8,608,235 COVID-19 cases at 224,980 deaths.


Sinundan ito ng India na may 7,864,811 cases at 118,534 deaths at Brazil na may 5,380,635 cases at 156,903 deaths.

Pumangatlo ang Russia at France habang ang Pilipinas ay may 370,028 cases na.

Facebook Comments