Patuloy na sinisikap maibalik ang suplay ng kuryente sa ilan pang panig ng Ilocos Norte matapos maputol dahil sa paghagupit ng Bagyong Nando.
Base sa electric service provider, nasa 66.91% ng mga barangay o katumbas ng 267 mula sa 559 na komunidad ang naibalik na ang kuryente noong hapon ng September 24.
Mula sa 190,000 na rehistradong miyembro, nasa 117,094 kabahayan ang nailawan na habang 78,000 pa ang sinusubukan pang ayusin ang linya ng kuryente.
Sa pananalasa ng Bagyong Nando, umabot sa Signal No.5 ang itinaas sa lalawigan at nabigyan ng red rainfall warning habang papalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.
Kaugnay nito, tuloy ang relief operations sa mga apektadong residente at tiniyak na maayos ang kanilang kalagayan lalo sa mga lumikas bago payagang makabalik sa kanilang mga tahanan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









