Suplay ng kuryente sa Iranun Towns sa Maguindanao, aayusin na!

Hangad ngayon ng mga Local Officials mula sa Iranun Towns ng Maguindanao na matuldukan na ang halos higit isang buwang problemang hatid ng kawalan ng suplay ng kuryente.
Madami na aniya ang apektado dahil sa kawalan ng suplay kuryente sa mga bayan ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Parang, Barira, Buldon, at Matanog .
Kaugnay nito, ngayong araw, pinangunahan ni LMP Maguindanao Chapter President Datu Shameem Mastura ang pagpupulong kasama ng mga Iranun Town Mayors .
Iginiit naman ni Mayor Mastura na panahon na para magtulungan ang mga residente , LGU lalo na ang Maguindanao Electric Cooperative para masolusyunan ang problema.
“Tayo po ay magtulungan sa halip na magsisihan ay gumawa na lamang ng paraan para maibalik ang magandang suplay ng kuryente” dagdag pa ni Mayor Mastura sa naging panayam ng DXMY.
Suportado naman ng mga Iranun Mayors ang isinusulong ni Mayor Shameem. Bukod sa bayan ng Barira na hindi nakadalo , present ang halos lahat ng mga Iranun Mayors sa meeting kabilang na sina Parang Mayor Cahar Ibay, Sultan Mastura Mayor Datu Rauf Mastura, Buldon Mayor Abolais Manalao at LGU Matanog.
Nakatakda ring makipagpulong ang mga ito sa pamunuan ng Magelco.
Bukod sa Iranun Towns, umaasa si Mayor Mastura na maayos na ang suplay ng kuryente sa buong lalawigan sa tulong na rin ng Provincial Government sa pangunguna ni Governor Bai Mariam Sangki.

Facebook Comments