Balik-normal na ang kondisyon ng luzon grid ngayong araw.
Ayon sa department of energy (DOE), nakadagdag sa suplay ng kuryente sa luzon ang pagpasok ng sual unit 1 na may kapasidad na aabot sa 646 megawatts.
Dahil dito, walang power interruptions o brownout na inaasahan ngayong araw.
Ito ay kahit may tatlo pang planta ang kasalukuyang naka-forced outage.
Samantala, gumugulong na ang imbestigasyon ng doe hinggil sa sunod-sunod na pagsasailalim sa red at yellow alert ng luzon grid.
Idinedeklara ang yellow alert kapag bumagsak ang reserbang kuryente na mas mababa sa minimum na 647 megawatts habang red alert naman kung mas mataas na ang demand kaysa sa suplay ng reserbang kuryente na posibleng mauwi sa rotational brownout.
Facebook Comments