Manila, Philippines – Inaasahang maibabalik na ngayong araw ang serbisyo ng kuryente sa mga lugar sa Visayas na tinamaan ng magnitude 6.5 na lindol.
Ayon kay Energy Undersecretary Alfonso Cusi – naayos na ang tatlong geothermal power plant sa Visayas.
Pero sinabi ni Cusi, kailangan munang suriin ang mga ito alinsunod sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para matiyak ang kakayahang makapagbato ng kuryente.
Sinabi naman ni NGCP Engineer Franklin Mabitazan – patuloy nilang kinukumpuni ang mga nasirang planta.
Tiniyak naman ng energy department na fully restored na ang suplay ng kuryente sa Samar at Bohol pagdating ng weekend.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558
Facebook Comments