Balik-normal na ang supply ng kuryente sa Panay Island ayon sa Department of Energy (DOE).
Batay sa impormasyong inilabas ni DOE Usec. Mario Marasigan, nasa higit 300 megawatts na sa isla ang pasok sa kasalukuyang demand ng kuryente.
Stable na ang kondisyon ng power supply at wala ng manual load tracking ang ginagawa sa Panay Island.
Gayunpaman, patuloy pa rin ang monitoring ng DOE kung hindi na bababa sa demand ang suplay ng kuryente.
Umaasa umano silang wala nang inaasahang service interruptions sa lugar.
Facebook Comments