SUPLAY NG KURYENTE | Senator Gatchalian, tiwalang hindi na mangyayari ang pinangangambahan na malawakang brownout ngayong summer

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ni Committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian na hindi na magaganap ang pinangangambahang malawakang brownout ngayong summer.

Ayon kay Gatchalian, ito ay dahil sa Temporary Restraining Order na inilabas ng Court of Appeals na pumipigil sa pagpapatupad ng suspensyon laban sa apat na commissioners ng Energy Regulatory Commission o ERC sa loob ng 60-araw.

Itinuturing ni Gatchalian na blessing na sa loob ng 2-buwan ay magagampanan muli ng apat na ERC commissioners ang kanilang trabaho para aksyunan ang mga nakabinbing power contracts.


Magugunita na sa isinagawang pagdinig ng Senado ay lumabas na tataas ng 15 hanggang 20 porsyento ang pangangailangan sa kuryente ngayong summer.

Paliwanag ni Gatchalian, kapag naaksyunan na ng ERC ang mga nakabinbing applications at contract renewals ay magbibigay ito ng total power capacity na 2,156.38 megawatts (MW).

Sapat na aniya ito para mapunan ang tataas na demand sa kuryente ngayong tag-init.

Facebook Comments