Suplay ng mangga sa San Carlos City gumanda ang ani

San Carlos City – Sa kabila ng problema ng mga Mango Growers sa lungsod ng San Carlos dahil sa tinatawag nilang kurikong sa mangga. Ayon sa City Agriculture Office bahagyang tumaas sa 60 – 70% ang ani ng mga nagmamangga ngayong taon, mas maganda ang harvest ng San Carlos City ngayon kumpara noong nakaraang dalawang taon.

Matatandaan taong 2017 nakaranas ng labis na pagkalugi ang mga may-ari ng manggahan dahil din sa kurikong kaya hanggang ngayon ay sumasailalim pa din sa rehabilitasyon ang ibang mga puno ng mangga upang muling maibalik ang sigla ng produksyon nito at matulungang makabawi ang mga namuhunan.

Facebook Comments