Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na hindi magkukulang ang supply ng baboy sa bansa ngayong Holiday Season.
Ayon kay Agriculture Sec. William Dar, nasa 10 hanggang 15 porsiyento ang nadagdag sa produksyon ng Hog Raisers sa Pilipinas.
Inaasahan ng kalihim na hindi gagalaw ang presyo ng baboy sa mga pamilihan sa gitna ng bilyu-bilyong lugi ng mga magbababoy sa Pilipinas dahil sa African Swine Fever.
Una nang sinabi ni Dar na unti-unti nang nakokontrol at nawawala ang ASF.
Facebook Comments