Ikinabahala ng mga residente sa Pasig City ang pagka-ubos ng supplay ng NFA rice sa palengke.
Nabatid na bumulaga kaninang umaga sa mga mamimili na wala ng suplay ng NFA rice sa Pasig Mega Market.
Napag-alaman na nagsimulang magdagsaan ang publiko sa mga pamilihan makaraang mapirmahan ang Rice Tariffication Law kung saan hangad nila na makabili ng murang bigas.
Sinasabing aabot lamang sa P27. 00 kada kilo ang NFA rice kung saan tatlong kilo kada isang tao ang pinapayagang maka-avail nito.
Reklamo naman ng ilan na nakakalusot ang ibang pumipila dahil bitbit nila ang bawat miyembro ng pamilya at hindi na daw ito napapansin pa.
Dahil sa walang stock, ilan naman sa mga publiko ay bumibili na lamang ng commercial rice dahil bumaba na din ang presyo nito ng P4. 00 hanggang P5. 00 ang kada kilo.