Paubos na ang suplay ng pagkain, inuming tubig at krudo sa Dinagat Islands matapos maapektuhan ng Bagyong Odette.
Ayon kay Dinagat Islands Governor Arlene Bag-ao, kakaunti na lamang imbak nilang relief goods para sa mga apektadong residente.
Kapos na rin ang suplay ng krudo na ginagamit upang paganahin ang mga generator ng mga bangkang maghahatid ng ayuda.
Umaasa si Bag-ao na aabot sa bisperas ng pasko ang mga ihahatid na ayuda para sa mga residente.
Sa kabila naman ng kakulangan sa suplay, tiniyak ng Philippine National Police – Caraga na walang napapaulat na looting o pagnanakaw sa Siargao at Dinagat Islands.
Ang mga napapaulat na insidente ay agad na bineberipika upang mabigyan ng aksyon.
Facebook Comments