Suplay ng Pangunahing Bilihin sa Isabela, Sapat; Presyo, May Konting Paggalaw – DTI

Cauayan City, Isabela- Sapat pa rin ang supply ng Basic Necessities and Prime Commodities (BNPCs) sa Lalawigan ng Isabela.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Elmer Agorto, ang OIC Consumer Protection Division Chief ng DTI Isabela sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa kanya.

Tuloy-tuloy aniya ang kanilang isinasagawang monitoring sa mga business stablishments na nagtitinda ng mga pangunahing bilihin sa probinsya kung saan mula sa mahigit 140 establisyimento na kanilang nasuri ay walang naitala na pagtaas ng presyo at irregularidad sa supply.


Ito ay dahil aniya sa tuloy-tuloy na delivery ng mga BNPCs mula sa mga manufacturers mula sa Central Luzon at NCR.

Dahil na rin aniya ito sa mahigpit na restrictions ng ilang munisipalidad sa lalawigan kaya’t nahihirapan ang mga konsyumer na magtungo sa mga malalaking grocery upang makapamili ng mga BNPCs.

Ayon pa kay Ginoong Agorto, mayroon itong epekto sa mga nagtitinda dahil sa mabagal na pagkakabenta ng mga ibang produkto na nananatili pa rin naman sa risonableng presyo.

Inihayag din ni Agorto na may konting paggalaw at pagbabago ng presyo ng mga ibang produkto dahil sa bagong ipinalabas na SRPs.

Ipinaliwanag nito na ang paggalaw ng presyo ng ilang produkto tulad ng kape, gatas, sardinas, asin, condiments, canned meat, noodles, soap, household batteries, at kandila ay dahil sa pagtaas ng mga cost components, gaya ng raw materials, packaging materials at cost of logistics.

Kaugnay nito, pinapayagan naman aniya ng DTI na magtaas-presyo o higit sa SRP ang mga may sari-sari store basta ito ay reasonable at hindi sobrang pagpapatong.

Muli namang nagpaalala si Ginoong Agorto sa mga mamimili na maging wais at matalino pa rin sa pagbili ng mga produkto o serbisyo at huwag lamang magbase sa murang presyo kundi tignan din kung pasok sa itinakdang Philippine standard mark ang kalidad nito.

Facebook Comments