Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pasay city, umabot na aa higit 19,000

32

Pumalo na sa 19,398 ang bilang ng mga residente sa lungsod ng Pasay na nakarekober sa COVID-19.

Sa datos ng Pasay LGU, 139 sa nasabing bilang ang new recoveries habang nasa 96 ang naitalang bagong kaso ng virus.


Dahil dito, pumalo na sa 792 ang naitalang aktibong kaso sa lungsod.

Nasa 510 naman ang nasawi kung saan umaabot sa 20,700 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Nasa 35 barangay sa lungsod ng Pasay ang kasalukuyang COVID-19 free na pero patuloy ang paalala ng lokal na pamahalaan sa mga residente na mag-doble ingat pa rin

Sa pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 Active Cases sa Pasay city, patuloy na gumagawa ng mga hakbang ang lokal na pamahalaan upang agarang mapigilan ang pagdami nito sa pamamagitan ng mas aktibong Contact Tracing, pagsasagawa ng mas maraming RT-PCR Testing, Isolation and Treatment, at pagdedeklara ng mas maigting na Community Quarantine sa mga apektadong Barangay.



Facebook Comments