Suplay ng tubig, nanganganib na kulangin dahil sa COVID-19 pandemic

Ibinabala ni Senator Imee Marcos ang posibleng paglala ng kakulangan sa suplay ng tubig habang may pandemya ng COVID-19 at patuloy na bumababa ang tubig sa Angat Dam.

Paliwanag ni Marcos, tumaas ang demand sa paggamit ng tubig para sa personal hygiene gayundin sa public sanitation bunsod ng pandemya ngunit hindi napapalitan ng tubig ulan ang Angat Dam.

Tinukoy ng senador na ang kasalukuyang water level nito ay halos 20 meters na mas mababa kaysa sa normal operating level na 205 meters at halos masaid pa dahil 6 meters na lang bago ang minimum operating level na 180 meters.


Isinisi ni Marcos ang problema sa seguridad ng tubig sa kabiguan ng Manila Water at Maynilad na gampanan ang kanilang obligasyon sa publiko base sa 1997 water concession contract na kanilang nilagdaan sa gobyerno.

Aniya, mismong ang Korte Suprema ang nagpahayag na lumabag ang nasabing water concessionaires sa Philippine Clean Water Act of 2004 dahil sa kabiguang magtayo ng mga waste water treatment system.

Facebook Comments