SUPLAY NG TUBIG SA DAGUPAN CITY, PATULOY NA ISINASAAYOS

Patuloy ang isinasagawang pagsasaayos ng mga water pumping stations at underground water leaks sa lungsod ng Dagupan upang masiguro ang patuloy na suplay nito sa lungsod.
Ayon sa ilang residente ay mahina ang suplay ng tubig tuwing rush hours kaya’t kinakailangan nilang mag-imbak upang may magamit ang mga ito.
Sa kabila nito, tiniyak ng PAMANA Water Dagupan City ang kanilang puspusang pagsasaayos ng mga underground water leak at pagsasagawa ng preventive maintenance sa mga water pumping station upang mapalakas ang water pressure nang sa ganun ay maging tuloy tuloy ang daloy ng tubig.

Samantala, paghahanda na rin ito sa nalalapit na dry season na may naitalang low water pressure kaya’t hirap ang ibang residente sa pagkuha ng tubig.
Ang Maligay Water Reservoir na nagsusuplay sa Brgy. Lucao at mga Island Barangays sa Dagupan City ay pinapalakas din ang booster pump nito. |ifmnews
Facebook Comments