POLICE REGIONAL OFFICE 1, NAGPAALALA SA MGA KABATAAN UKOL SA PAPARATING NA VALENTINE’S DAY

Nagpaalala ngayon ang Police Regional Office 1 sa mga kabataan sa Ilocos ukol sa paparating na araw ng mga puso o Valentine’s Day.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Police Capt. Karol Elizabeth Baloco, ang OIC PRO-1 information officer, pinaalalahanan nito ang mga residente kung saan kanyang binigyang diin ang mga kabataan sa Ilocos Region na maging mabusisi at maging maingat sa mga niyayang i-date o i-pasyal na sinuman.
Aniya, maging maingat dahil sa panahon ngayon ay uso na rin umano ang scammers sa pag-ibig at hindi lang umano sa mga negosyo.

Dagdag pa niya, sa kasamaang minsan ang pakikipagkita sa hindi pa lubos na kakilala ay humahantong sa hindi magandang pangyayari gaya na lamang ng rape at murder.
Samantala, dagdag pa ng opisyal, isa umano ang krimeng rape sa mayroong pinakamataas na bilang na naitala noong 2022. |ifmnews
Facebook Comments