SUPLAY NG TUBIG SA SIYAM NA BARANGAY SA BAYAMBANG, AAYUSIN SA ILALIM NG PIPELAYING PROJECT

Target maayos at mapabuti ang akses sa malinis at ligtas na suplay na tubig para sa mga residente mula sa siyam na barangay sa Bayambang, sa ilalim ng bagong Pipelaying Project.

Sinimulan noong Marso 3 ang 6,627 linear meters na proyekto at inaasahang matatapos sa Hunyo 11, 2026.

Saklaw ng proyekto ang mga barangay ng Maigpa (Purok 2), Telbang (Muslim Compound), Carungay (Purok 7), Malimpec, Caturay, Macayocayo (Purok 6 at 7), Sanlibo (Purok 6 at 7), Zone VII (Teacher’s Village), at Pantol, na nagkakahalaga ng kabuuang ₱5,664,448.00.

Ang proyekto ay bahagi ng pagpapalawak ng extension line ng Bayambang water supply system na naglalayong mapabuti ang akses ng mga residente sa malinis at ligtas na suplay ng tubig.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang inisyatibang ito ay inaasahang makatutulong sa patuloy na paglaki ng populasyon at magtataguyod ng mabilis na distribusyon ng tubig sa mga apektadong lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments