Suporta at legal na tulong, dapat matiyak na maipagkakaloob sa 20 Filipino seafarers na nadawit sa kargang iligal na droga ng sinasakyan nilang barko

Hiniling ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino sa pamahalaan na tutukang mabuti ang kaso ng 20 Pilipinong marino na iniimbestigahan sa South Korea matapos ang pagkakasabat ng dalawang toneladang hinihinalang cocaine sa barkong kanilang sinasakyan.

Ayon kay Magsino, dapat tiyakin ng gobyerno na maibibigay ang lahat ng kailangang suporta at legal na tulong sa nabanggit na mga Filipino seafarer at kanilang pamilya.

Giit ni Magsino, mahalaga na mabigyan sila ng makatarungan at maayos na pagtrato habang patuloy ang imbestigasyon.


Diin ni Magsino, sa panahong ito na nasa bingit ang kinabukasan ng ating mga kababayang marino ay hindi sila dapat husgahan kundi samahan at ipaglaban ang kanilang karapatan, dignidad at kapakanan.

Facebook Comments