Climate Change Act, pinapa-amyendahan ng isang kongresista para sa kapakanan ng mga mangingisda at magsasaka

Inihain ni AGRI Party-list Representative Wilbert Lee ang House Bill No. 11499 o panukalang mag-aamyenda sa Climate Change Act of 2009.

Layunin ng panukala ni Lee na maayendahan ang batas para mapalakas ang partisipasyon ng mga magsasaka at mangingisda sa pagbuo ng mga polisiya na may kinalaman sa pabago bagong klima o lagay ng panahon.

Katwiran ni Lee, ang mga mangingisda at magsasaka ang higit na apektado ng tumitinding mga kalamidad dulot ng climate change kaya dapat higit silang mapakinggan sa pagbuo ng polisiya.

Ayon kay Lee, anumang polisiya hinggil sa climate change ay kailangang masuri at mapag-aralang mabuti ng mga nasa sektor ng agrikultura dahil nakasalalay dito ang kanilang kabuhayan, kita at kinabukasan ng pamilya.

Facebook Comments