Baguio City – Nagsagawa ng prayer rally at candle lighting ang iba’t ibang grupo sa Baguio City para ipabasura ang quo warranto petition laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Nag-alay naman ng panalangin ang ibang taga-suporta ni Sereno sa Malcolm Square habang isinisigaw na hindi ito ang nararapat na proseso para sa Punong Mahistrado.
Giit ng grupong coalition for justice, walang sapat na basehan para tanggalin sa posisyon si Sereno.
Ang quo warranto petition ay inihain ng Office of the Solicitor General sa Korte Supreme para ipawalang-bisa ang pagkakatalaga kay Sereno noong 2012.
Kinukuwestiyon ng OSG ang pagkakatalaga kay Sereno dahil sa kabiguan nitong magsumite ng kaniyang mga Statements of Assets, Liabilities and Net Worth.