Suporta ng publiko kay Pangulong Duterte na lumabas sa Pew Research Center Survey, ikinatuwa ng Palasyo

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng MalacaƱang ang resulta ng survey ng Pew Research Center isang American think tank na nagpapakita na marami sa ating mga kababayan ang nagtitiwala kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga ipinatutupad nitong programa.

Batay sa nasabing survey, lumalabas na 86% ng ating mga kababayan ang positibo ang pananaw kay Pangulong Duterte, 78% naman ang kontento sa paghawak ni Pangulong Duterte sa illegal drugs issue at 62% naman sa ating mga kababayan ang naniniwala na may pinatutunguhan ang kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, isa itong welcome development ito at magpapatuloy lang aniya ang kampanya ng administrasyon laban sa iligal na droga sa bansa hanggang maubos na ang mga nagtutulak nito.


Ginawa naman ang nasabing survey bago pumutok ang issue ng pagkamatay ni Kian Delos noong Agosto na umani ng batikos mula sa ibat-ibang grupo.

Facebook Comments