Suporta ng US sa 2016 arbitral award, ikinalugod ng DFA

Malugod na tinatanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang buong suporta ng Estados Unidos sa 2016 Arbitral Award sa South China Sea, at pagtitiyak na gagamtin ang Mutual Defense Treaty (MDT) sakaling magkaroon ng armadong pag-atake sa Pilipinas.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ang arbitral ruling ay nakatali na sa international law at sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ang commitment ng US na protektahan ang soberanya ng Pilipinas ay nangangahulugan na nais nilang mapanatili ang kapayapaan sa lugar.


Pinuri rin ng kalihim ang US sa pamimigay ng sobrang COVID-19 vaccines supply sa iba’t ibang bansa sa mundo.

Facebook Comments