Suporta ni Pangulong Duterte sa pagtatayo ng subway sa Metro Manila, tiniyak ng Malacañang

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na ibibigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong suporta sa itinatayong kauna-unahang subway system sa bansa.

Matatandaan na isinagawa na ang ground breaking ceremony sa pagtatayo ng Metro Manila Subway na magpapaigsi ng biyahe mula sa Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tinawang na imposible at panaginip ng mga kritiko ng Administrasyon ang proyekto pero ngayon ay sinimulan na ang pagtatayo nito.


Sinabi ni Panelo na imomonitor ng Office of the President ang proyekto at ibibigay ang buong suporta sa Department of Transportation at iba pang tanggapan ng Pamahalaan para matapos ang subway system na magbibigay ng mas mabilis na transport system sa Metro Manila.
Umapela naman si Panelo sa publiko ng kaunting pagtitiis dahil ang proyektong ito ay magbibigay ng mas malaking benepisyo sa lahat sa hinaharap.

Umapela din naman ang Malacañang sa susunod na administrasyon na tiyakin na ibibigay ang parehong suporta sa proyekto hanggang ito ay matapos.

Facebook Comments