Oplan Baklas ng COMELEC, magpapatuloy bukas

Manila, Philippines – Ipagpapatuloy ng Commission on Elections ang malawakang Oplan baklas bukas, araw ng Huwebes.

Katuwang ng poll body sa nasabing operasyon ang Philippine National Police, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Department of Public Works and Highways.

Ayon kay COMELEC Spokesman Director James Jimenez, anim na ruta ang tutumbukin ng pagbabaklas sa mga campaign materials na lagpas sa 2×3 feet at nakakabit sa ipinagbabawal na lugar.


Kabilang sa mga lugar na sentro ng Oplan Baklas ang..

1. General Kalentong, Mandaluyong
2. N. Domingo St., San Juan City
3. Zabarte Road, Caloocan City
4. Valenzuela Astrodome, G. Lazaro St, Valenzuela City
5. Kingspoint Subdivision, Quezon City
6. Commonwealth Ave, Quezon City

Facebook Comments