Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Committee Health Chairman Senator JV Ejercito ang pagsuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panukalang dagdagan pa ang buwis sa sigarilyo at sa mga inuming nakalalasing.
Mainam ito para kay Senator Ejercito para matiyak na mapopondohan ang Universal Healthcare Program.
Sa Senado, ang panukalang dagdag buwis sa sigarilyo at alcoholic products ay nakasalang pa sa Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni Senator Sonny Angara.
Base sa panukala ay tinatayang aabot sa 45 hanggang P50 billion pesos ang maidadagdag nito sa taunang koleksyon ng pamahalaan.
Facebook Comments