Suporta para sa distance learning, iginiit ng DepEd

Ipinagmalaki ng Department of Education (DepEd) ang iba’t ibang hakbang na sumusuporta sa pagpapatupad ng distance learning sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Oktubre.

Ayon kay Education Undersecretary for Administration Alain del Pascua, mayroong online learning kung saan 67% ng populasyon ay mayroong sariling devices sa kanilang mga bahay.

Dagdag pa ni Pascua, ang learning platform na DepEd Commons ay makakatulong sa mga guro at mag-aaral na i-download ang kanilang self-learning modules at video lectures sa pamamagitan ng mobile data ng libre.


Ang mga nilalaman ng DepEd commons ay nakadisensyo para madaling ma-download at maaaring ipadala sa pamamagitan ng Flash Drive na hindi kinakailangan ng stable internet connection.

Mayroon ding TV at Radio based learning sa mga walang access sa internet at gadgets.

Gagamitin din ang print-based Self Learning Modules.

Nagpapatuloy rin ang Computerization Program (DCP) ng kagawaran na layong makapagbigay ng gadgets sa bawat eskwelahan sa bansa.

Facebook Comments