SUPORTA SA KABUHAYAN NG MGA HOG RAISER SA MANAOAG, PINAIIGTING

Suportado ng lokal na pamahalaan ng Manaoag ang ikauunlad at sustenableng pamamahala ng mga babuyan bilang kabuhayan ng ilang residente na sumailalim sa swine production at biosecurity management katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

‎Layunin ng programa na hindi lamang dagdagan ang kaalaman ng mga hog raisers, kundi tiyakin din ang pangmatagalang katatagan ng kanilang kabuhayan sa gitna ng mga hamon sa industriya tulad ng sakit sa alagang hayop at pabago-bagong presyo sa merkado.

‎Binigyang-diin sa pagsasanay ang kahalagahan ng wastong pamamahala sa babuyan, kalinisan, at pag-iwas sa mga sakit upang mapanatili ang mataas na produksyon.


‎Hinikayat ang mga benepisyaryo na paunlarin ang kanilang natanggap na seed capital at sikaping maging pangmatagalan ang kanilang negosyo.


‎Inaasahan na makatutulong ang nasabing programa upang mapataas ang kita ng mga hog raiser at masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng karne sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments