Suporta sa lokal na negosyo, panawagan ni Mayor Isko Moreno

Muling hinikayat ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang mga Manileño na suportahan ang mga lokal na negosyo.

Ang panawagan ni Mayor Isko ay kaugnay sa mga programang inilatag ng pamahalaang lungsod para buhayin ang mga lokal na negosyong naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa programang ito ang nagpapatuloy na kampanyang “Buy Local, Eat Local” Manila na layuning palakasin ang mga negosyo dahil kung hindi ay tiyak mawawalan ng empleyo.


Kasama rin sa programa ang Manila Restaurant Week na isasagawa mula Setyembre 20-27, 2020.

Dito ay magkakaroon ng kaniya-kaniyang pakulo ang mga restaurant tulad ng pagbibigay ng discount sa mga tatangkilik sa kanilang negosyo.

Tiniyak naman ni Domagoso na magiging ligtas sa COVID-19 ang mga lalahok sa aktibidad dahil mahigpit na ipatutupad ang minimum health protocols na itinakda ng Department of Health (DOH).

Facebook Comments