SUPORTA SA MGA DRUG SURRENDERERS, IPINANGAKO NG DSWD FIELD OFFICE 2

Cauayan City, Isabela- Kasabay ng ginanap na inagurasyon ng Balay Silangan sa bayan ng Sto. Tomas, Isabela kamakailan ay inihayag ng Department of Social Welfare and Development Field Office 2 (DSWD FO2) ang kanilang buong pagsuporta para sa reformation at rehabilitation ng mga PWUD o Persons Who Used Drugs sa nasabing bayan.

Ito ay sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement o MOA na nagpapakita ng kanilang pakikipagtulungan at suporta sa ibang mga ahensya sa pagpapatupad ng Dangerous Drug Board (DDB) Regulation No. 2, Series of 2018.

Ang DSWD Field Office 2 ay tutulong sa pagbibigay ng mga serbisyo at livelihood programs para sa ikabubuti ng kabuhayan ng mga repormista kasama ang kanilang pamilya.

Ayon naman kay Assistant Regional Director for Operations Franco Lopez, sinabi nito na pagkatapos ng rehabilitation at reformation phase ng mga drug reformist ay i-aassess ang mga ito para makita kung ano ang mga programa na kanilang ihahatid para sa kanilang ganap na pagbangon at pagbabago.

Ang Balay Silangan na itinayo sa bayan ng Sto. Tomas ay pang apatnaput limang reformation center na sa Rehiyon dos, na bahagi pa rin ng hakbang at tulong ng gobyerno para sa muling pagrecover ng mga taong nalulong o nasangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments