Manila, Philippines – Pinapatiyak ni Senator Sonny Angara sa administrasyong Duterte ang suporta at benepisyo para sa mga magsasaka na posibleng maapektuhan ng Rice Tariffication Law.
Ayon kay Angara, dapat siguraduhin ng gobyerno na hindi madedehado ang mga magsasaka sa nakatakdang pagtanggal sa mga restriksyong ipinapataw sa pag-angkat ng bigas.
Sa ilalim ng Republic Act 11203, ay aalisin na ang 35 percent tariff para sa mga bigas na magmumula sa ASEAN at 50 percent tariff para sa mga bigas mula sa mga non-ASEAN countries.
Ayon kay Angara, may built-in safeguards o proteksyong nakapaloob sa batas na mangangalaga sa local farmers.
Tinukoy ni Angara ang paglikha ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF na popondohan ng P10 bilyon at ipaiilalim na sa General Appropriations Act.
Ang nabanggit na salapi ay gagamitin sa pagkakaloob sa mga magsasakang Pilipino ng inbed rice seeds at mga kaukulang kagamitan para sa pasasaka.