Suporta sa mga magsasaka sa plantasyon ng goma, tiniyak ng Landbank

46

Tuloy ang suporta ng Land Bank of the Philippines (Landbank) sa aabot sa 312 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) ng Goodyear Agrarian Reform Beneficiaries Multi-Purpose Cooperative (GARBEMCO) sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Sa loob ng 28 taon, tanging sa 1,000 ektarya ng plantasyon ng goma umaasa ang GARBEMCO para suportahan ang pamumuhay ng kanilang mga miyembro.

Nagpapasalamat naman si GARBEMCO General Manager Lilia Manuel sa Landbank dahil tuloy pa rin ang kanilang operasyon na malaking tulong sa kani-kanilang pamilya sa gitna ng pandemya.

Para sa karagdagang imporasyon sa mga Lending Programs ng Landbank, magtungo lang sa pinakamalapit na Landbank Lending Center o Branch nationwide, o tumawag sa (02) 8-405-7000.

Facebook Comments