Yoshihide Suga, pormal nang iniluklok bilang bagong PM ng Japan

74

Pormal nang iniluklok sa puwesto si Yoshihide Suga bilang bagong prime minister ng Japan.


Ito ay kasunod ng nangyaring botohan sa parliament ngayong araw.

Si Suga na pinuno ng ruling na Liberal Democratic Party (LDP) ang hahalili kay Shinzo Abe na una nang bumaba sa puwesto dahil sa problema sa kalusugan.

Nitong Lunes nang mahalal si Suga bilang pinuno ng LDP makaraang makatipon ng 70% na mga boto.

Nakatakda naman itong manumpa sa tungkulin ngayong hapon, kasama ang mapipili nitong mga miyembro ng kanyang gabinete.

Si Suga, ay dating kanang kamay ni Abe sa halos walong taong panunungkulan nito sa kanyang ikalawang termino bilang Chief Cabinet Sec. ng Japan.

Facebook Comments