Pinalakas ng mga kinauukulang ahensya ang suporta sa mga magsasakang naapektuhan ng kalamidad sa bayan ng Santo Tomas matapos makinabang ang mahigit 100 magsasaka sa iba’t ibang anyo ng tulong kasunod ng pananalasa ng mga bagyo noong mga nakaraang taon.
Batay sa ulat, 70 magsasaka na naapektuhan ng Bagyong Kristine noong 2024 ang nabigyan ng mga binhi ng gulay mula sa Department of Agriculture upang makatulong sa muling pagsisimula ng kanilang produksyon.
Bukod dito, mahigit 30 magsasaka naman na naapektuhan ng mga bagyo noong 2025 ang nabigyan ng crop insurance mula sa Philippine Crop Insurance Corporation, na magsisilbing tulong-pinansyal sakaling muling masira ang kanilang mga pananim.
Isinagawa ang pamamahagi ng mga tulong matapos ang flag ceremony noong Pebrero 2 bilang bahagi ng patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng sektor ng agrikultura sa bayan.








