Suporta sa mga maliliit na negosyante, tiniyak pa rin ni PBBM

Hindi babalewalain ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs sa harap nang unti-unting pag-recover ng bansa mula sa pandemya.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa pagdalo sa ribbon cutting ceremony sa Small and Medium Enterprises (SMEs) Hub sa Savya Financial Center sa Taguig City.

Ayon sa pangulo, nananatiling dedicated ang gobyeno para tumulong sa mga maliliit na negosyante na mas umunlad pa sa kanilang negosyo.


Siniguro ng pangulo na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang mga programang nagbibigay ng space at resources sa mga Pilipinong negosyante na mapanatili ang kanilang negosyo at sa mga indibidwal na nais pumasok sa pagnenegosyo.

Kaugnay nito, payo ng pangulo sa mga negosyante na aralin ang information and communications technology (ICT) para sa ginagawang digital transformation sa bansa nang sa ganun ay magtuloy-tuloy ang negosyo sa harap ng pananatili ng COVID-19 pandemic.

Ang MSME’s ay nakapagbigay ng mahigit limang milyong trabaho sa mga Pilipino.

Facebook Comments