PHIVOLCS, naka-monitor sa mahigit 700 na aftershocks kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra

Nakapagtala na ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng mahigit 700 aftershocks kasunod ng magnitude 6.4 na lindol sa Abra.

Batay sa monitoring ng PHIVOLCS, naitala ang 763 na pagyanig nitong 1PM.

Mula sa naturang nangyaring pagyanig, 158 ang plotted o naitala ng mga instrumento habang 55 ang naramdaman ng mga residente.


Ayon pa sa PHIVOLCS, karamihan sa mga naitalang pagyanig ay nasa 1.4 hanggang 4.8 magnitude na mga naitalang aftershocks.

Facebook Comments